292

Jun 28, 2019 @ 11:00
By

Nagparaya! No. 23 ibibigay ni LeBron kay Davis

Isa sa naging malaking tanong nang lumipat si Anthony Davis sa Lakers ay kung sino ang magsusuot ng jersey number 23, na kilalang numero din ni LeBron James.

Ngunit handang muling bitawan ni James ang numerong ito para ibigay sa bagong ka-tandem sa Purple and Gold.

Ayon sa report ng Yahoo Sports, palit jersey number si LeBron, bukas na ang number 23 na pitong taong ginamit ni Davis sa kanyang NBA career.

Si LeBron naman, dati nang humawak ng ibang numero, nag No. 6 sa Miami Heat bago bumalik sa 23 ng mapagkampeon ang Cavaliers at lumipat sa Lakers.

Hindi pa batid kung anong susuotin ni James sa susunod na season, ngunit limitado na ang option nito dahil sa dami ng retired jerseys ng Lake Show.

Hindi maaaring piliin ni LeBron ang . 8, 13, 22, 24, 25, 32, 33, 34, 42, 44 at 52, na sinuot ng ilang Lakers legend at nakasabit na sa stadium.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?