27

Jun 10, 2021 @ 12:01

Nagparamdam kay LeBron: Miami Heat president multa ng P1M

Suka ng $25,000 o higit P1M si Miami Heat president Pat Riley dahil sa paglabag nito sa anti-tampering rule ng NBA.

Ito’y dahil sa interview kay Riley sa isang radio show kung saan sinabi nito na handa siya muling tanggapin si LeBron James sa kanilang koponan.

“LeBron, look, he’s one of the greatest of all time, and for four years down here, if we want to go back and remember what those four years were like, it was four years in the Finals, four years of excitement, two world championships…It was the best time for the Heat,” ayon kay Riley sa isang interview.

“So I wish him nothing but the best, and if he ever wanted to come back, I’ll put a new shiny key under the mat.”

Nag-offer naman ang radio host na si Dan Le Batard na siya na ang magbabayad ng multa ni Riley, at tinawag na ‘stupid’ ang parusa ng NBA sa Heat official.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?