24

Nov 9, 2021 @ 12:53
By

Nagpapaturok na 4Ps beneficiary dumami – DSWD

Ipinagmalaki ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na dumami ang bilang ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na nais magpabakuna kontra COVID.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Glenda Relova, nagsagawa sila ng mga diskusyon at pulong sa mga benepisyaryo ng 4Ps kaya’t napawi ang kanilang pagdadalawang-isip sa COVID bakuna.

“Prior to our vaccination program, meron talagang ano, hesitancy and fears ang ating mga benepisyaryo. Ito ay napag-alaman namin based on the survey namin bago tayo nagkaroon ng bakuna,” wika ni Relova sa panayam ng TeleRadyo.

“And then we conducted roundtable discussions with our beneficiaries, and also townhall meetings together with the Department of Health (DOH). So aming yung mga information and campaign materials regarding the vaccination program, sinagot ang kanilang mga fears, ang kanilang mga hesitation, and currently, na-dispell na ito and they are very much willing na ibigay ang kanilang informed consent para sila ay mabakunahan,” dugtong pa niya.

Batay umano sa kanilang tala ay nasa 526,000 benepisyaryo ng 4Ps na ang nabakunahan kontra COVID.

“It is also worthy to note na ang ating mga 4Ps ay kabilang sa ating A5. So nagsisimula pa lang tayong mag-rollout dito sa sektor ng A5 so baka pagka nagkaroon tayo ng massive rollout, tataas pa po itong figures na ito,” aniya. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?