25

Jan 11, 2022 @ 13:45
By

Nagpapasalamat pa rin: Ina Raymundo, pamilya hindi nakaligtas sa Covid

Nagpositibo si Ina Raymundo kabilang ang kaniyang asawa at limang anak sa COVID-19.

Base sa Instagram post ni Ina, kakagaling lang ng kaniyang bunso at nakakapaglaro na rin ito.

Aniya, karamihan sa kaniyang pamilya ay malapit nang gumaling habang siya naman ay kakapositibo pa lang sa virus.

“My bunso has just recovered from Covid and she’s already playing so beautifully. We all got covid, my husband and 5 kids. Most of them have recovered but I just tested positive today,” caption ni Ina sa Instagram.


Nagpapasalamat naman ang aktres sa Panginoon dahil huli siyang nahawaan ng Coronavirus. Aniya, naalagaan niya naman umano ang kaniyang pamilya kahit papaano.

“Ang bait pa rin ni God that I’m the last to get it so I was able to take good care of all of them.Most of my kids were sick for 2 days not more than 3 days. I treated all of them like they have the flu. Pls keep calm everyone. God is still in control,” dagdag nito.

Sa isa pa niyang post, bumubuti na rin daw ang kaniyang pakiramdam.

“I got the Omicron but getting better. Just take it easy peepz and thanks to those who prayed & wished me well. Truly appreciate it,” pahayag ni Ina.

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?