94

Dec 6, 2021 @ 11:22
By

Nagpapanggap na pulis bistado sa Imus

Arestado ang isang lalaki na nagpapanggap na pulis sa Imus sa Cavite.

Sinabi ng OIC ng Imus City Police Station na si PLtCol Noel Calaptia, narekober sa suspek ang kumpletong uniporme ng pulis na may patch ng Manila Police District, kalibre 45 na baril, at mga pekeng ID.

Kinilala ang suspek na si Leo Mendoza, 41, residente ng Imus.

Batay sa ulat ng pulisya, may nagreport umano kay Mendoza na nagpaputok ng baril ng tatlong beses sa kanilang lugar.

Inaresto naman si Mendoza pero nagpakilala ito bilang isang pulis na may ranggong SPO2.

Ngunit lumabas sa imbestigasyon na wala ang pangalan ni Mendoza sa Personnel Accounting Information System ng PNP.

Nahaharap naman sa maraming kaso ang suspek. (Sherrylou Nemis)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?