69

Mar 3, 2021 @ 18:26
By

Nagpabakuna nang naka-long sleeve? Hindi po ako ‘yan! – VP Leni

Pinabulaanan ni Vice President Leni Robredo na siya ang babae na nag-viral ang larawan matapos magpabakuna na nakasuot ng long sleeve.

Sa kanyang Facebook page, nag-post si Robredo ng mga screenshot ng nasabing litrato at sinabing, “Hindi po ako ‘yan,” na may kasamang facepalm emoji

“FAKE NEWS ALERT! Mariin naming pinabubulaanan na si VP Leni ang babaeng binabakunahan sa litratong ito na kumakalat sa social media,” sabi naman ng kanyang tanggapan sa hiwalay na post.

Sabi pa ni Robredo hindi siya ang babae kundi si Dr. Flordeliza Grana, isang pediatric surgeon sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina City.

Nilinaw din niyang may slit ang manggas ng blouse ng doktora kaya naman hindi na kinailangan pang itaas ito nang turukan ng bakuna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?