948

Jan 10, 2022 @ 14:56
By

Nagpaalam sa misis! Joko Diaz handa na tikman si Ayanna Misola

Wala nang atrasan para kay Joko Diaz sa bago niyang pelikula kung saan makakatambal niya ang baguhang sexy actress na si Ayanna Misola.

Sina Joko at Ayanna ay bibida sa pelikulang ‘Kinsenas Katapusan’ sa ilalim ng Viva Films at sa direksyon ni GB Sampedro.

Sa naturang pelikula, mahuhumaling ang karakter ni Joko sa barkada ng kanyang anak, na gaganapan naman ni Ayanna.

Ngunit dahil may mga maiinit na eksena sa pagitan nina Joko at Ayanna, siniguro ng 45-anyos na aktor na nagpaalam siya sa kanyang misis na si Abigail.

“Alam naman ng misis ko na trabaho ko ito. Bigay ito ni Boss Vic kasi pinagtiwalaan niya ako. Malaking pera ang isinusugal ng Viva sa akin,” wika ni Joko.

“Pero nag-usap muna kami nina Boss Vic and Direk GB. I know it’s a good project but I haven’t done this kind of role before, so we set some boundaries,” dagdag pa ng aktor. “Kasi I don’t want rin naman to get stuck sa mga dati kong ginagawa. We have to move on.”

Habang subok na ang husay ni Joko sa pag-arte, bagong mukha naman sa showbiz si Ayanna na lumabas na rin sa ilang pelikula ng Viva na ‘Pornstar 2’ at ‘Siklo.’

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?