38
ABANTE arestado retired police arrested jail crime
By

Nagnakaw ng karburador ng motor, tiklo sa Marikina

Arestado ang isang lalaki matapos na kalasin at nakawin ang karburador ng isang nakaparadang motorsiklo naka-impound ng MMDA impounding area sa Barangay Tumana, Marikina City.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD) nakilala ang suspek na si Patrick De Guzman, nasa hustong gulang at residente ng Marikina City ang nakakulong ngayon sa detention cell sa kasong theft.

Ayon sa security guard na si Isagani Francisco, bandang 2:40 kamakalawa ng hapon habang naro-roving siya sa paligid ng MMDA impounding area nang mapansin ang suspek na mayroong isinisilid sa loob ng kanyang bag.

Agad niya itong sinita at sinabi kung bakit nasa loob siya ng impounding area at doon na napansin ang matambok na bag na kung saan isinilid ang isang carburetor na nagkakahalaga ng P6,000 mula sa na-impound na Honda TMX Motorcyle.

Dinala ang suspek sa Marikina police station at sinampahan ng kaso. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?