144
ABANTE-TNT jones bridge manila philippines
Jan 2, 2020 @ 18:59
By

Nagnakaw ng kable sa Jones Bridge timbog

Arestado ang isang lalaki matapos mahuling nagnanakaw ng electrical cable wire sa bagong renovate na Jones Bridge.

Kinilala ng Lawton Police Community Precinct ang suspek na si Olimfo Velasquez, walang trabaho at nasa wastong gulang.

Nabisto si Velasquez habang nagpuputol ng kable ng mga nagpapatrolyang pulis dakong alas-singko ng hapon noong Disyembre 31.

Dinala ang suspek sa Manila Police District Station 5.

Mahaharap siya sa mga kasong theft of government property.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?