135

Jan 2, 2018 @ 14:43

Nagnakaw ng donasyon sa simbahan, tinodas ng sekyu

Napatay ng security guard ang isang lalaki na umano’y nagnakaw ng donasyong pera sa simbahan sa Tayabas City sa Quezon.

Sa report ng Quezon police, sinabi umano ni Fr. Romel Ansay, parish priest ng Minor Basilica of St. Michael church, nilooban ng magnanakaw ang simbahan ala-1:55 ng madaling-araw at kinuha ang kahon ng donasyon na naglalaman ng P12,111 cash.

Ayon sa mga pulis, naaktuhan ng sekyu na ‘di pinangalanan sa report, na dala ng suspek ang donation box. Kinompronta niya ito kung saan inagaw ng huli ang baril niyang kalibre .38 revolver.

Aksidenteng pumutok ang baril sa pag-aagawan nila kung saan tinamaan sa ulo ang suspek na agad niyang ikinamatay, ayon pa sa report.

Inilarawan ng mga pulis na nasa edad 25 hanggang 30 at may suot na itim na damit at puting denim shorts ang napatay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?