41

By

Nagmura sa pulis, lalaki kinasuhan

Sharing is caring!

Nahaharap sa patong-patong na kaso ang isang 36-anyos na lalaki matapos pagmumurahin ang mga pulis sa Station 3 ng Manila Police District (MPD) sa Quezon Blvd., Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ni Police Supt. Arnold Thomas Ibay, hepe ng Station 3, ang suspek na si Jadel Manalang, nakatira sa Pampanga St., Tondo.

Una rito, hinuli si Manalang dahil sa paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and Their Children Act na nag-ugat naman sa reklamo ng isang Angelica Restituto, 27-anyos.

Subalit habang nasa loob ng Investigation Room ng istasyon ng pulisya, napansin ni PO1 Ernesto Banico ang lasing na si Manalang na kinukunan sila ng larawan habang nagsasalita ng hindi maganda laban sa kanila at nagmumura pa.

Maliban sa paglabag sa RA 9262 o VAWC, sasampahan din si Manalang ng kasong “resistance and disobedience upon agent person in authority”, “drunk disorderly conduct” at paglabag sa “anti-voyeurism law”. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?