450

Jul 19, 2019 @ 15:21
By

Nagmamaneho ng nahulog na kotse sa Ortigas, nawalan lang ng kontrol

Isang 4×4 Ford Ranger ang bumulusok pababa ng parking entrance ng isang hotel makaraang ang aksidenteng naganap na ikinasugat ng biktima sa Barangay San Antonio, Ortigas sa Pasig City. (Biyernes).

Nakilala ang biktima na si Rocky Pagaragan Yabut, 30-anyos, driver na nagtamo ng left arm and left leg injury at agad na isinugod na Rizal Medical Center.

Nabatid na pag-aari ni Rolan M. Roque ang 4×4 ford ranger pick up color grey na may plakang NBI 8838 at residente ng unit 3102 Malayan Plaza Hotel ADB Ave Ortigas Barangay San Antonio Pasig City.

Ayon sa report, nasa 3rd floor parking area ng Malayan Palza Hotel ang pick-up na mimamaneho ng biktima bandang 11:45 Biyernes ng tanghali nang biglang mahulog mula sa gusali habang pababa ng parking area at sumalpok sa bakal na harang ng parking area nang aksidenteng mawalan ng kontrol sa manibela.

Wasak ang sasakyan at sugatan ang biktima at Wala namang nadamay sa aksidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?