1,075

Jul 26, 2021 @ 16:30
By

Nagmamadali? Morissette ‘di nakaligtas sa SONA

Maging ang pag-awit ni Morissette Amon ng Lupang Hinirang sa huling State of the Nation Address ay ‘di pinalampas ng mga netizen.

Napansin agad ng mga netizen sa Twitter ang mabilis na tempo ng pagawit ni Amon, na sumabay sa tugtog ng Philharmonic Orchestra.

“Fastest interpretation of Lupang Hinirang on record yarn?” pahayag ng user na si @misterlon.

“ATAT NA ATAT NAMAN HAHAHA” saad ni @IamJGerald25.

“Me lakad ata si Madam Morissette,” tweet ni @bcosisayso.

“Sino humahabol kay ate girl? Why was the national anthem hella rushed?!! Sana term din ni duterte tapusin na agad agad,” saad naman ni @caratuts.

Bukod sa bilis ng tempo ay napansin din nila ang pagkakahuli ng pasok ng singer, kung saan hindi niya nabanggit ang unang salitang ‘Bayang.’

Gayunpaman, may mga pumuri pa rin sa pag-awit ni Morissette dahil sinunod nito ang tamang pagkanta ng Lupang Hinirang at hindi bumirit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?