356
Naglalaway sa Hugpong: Otso Diretso dumulog na sa Comelec para sa debate
Feb 28, 2019 @ 14:16
By

Naglalaway sa Hugpong: Otso Diretso dumulog na sa Comelec para sa debate

Pormal nang nagtungo sa Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato ng Otso Diretso para hilingin sa poll body na pangunahan ang public debate sa pagitan nila at mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Sama-samang nagsumite ng request letter sa Comelec sa Intramuros, Maynila nitong Huwebes sina Magdalo Rep. Gary Alejano, Marawi civic leader Samira Gutoc, dating Solicitor General Florin Hilbay at election lawyer Romy Macalintal.

Paliwanag ng mga opposition candidate, ang pagiging “independence at impartiality” ng Comelec na magsagawa ng debate ay malaking benepisyo sa mga botante na may karapatang malaman ang mga plataporma ng bawat kandidato sa mga isyu ng bansa.

Nauna nang hindi sinipot ng mga kandidato ng HNP ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang itinakdang debate ng Otso Diretso noong Pebrero 25.

Sa panayam kay Mayor Sara, sinabi nitong payag siya sa debate pero dapat umanong may third party na mag-oorganisa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?