165

Sep 13, 2021 @ 22:15
By

Naglabas ng viral video ni Roque puwede idemanda

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaaring managot ang sinumang nag-leak ng video kung saan nakita ang panggagalaiti niya kay Dr. Maricar Limpin, presidente ng Philippine College of Physicians, sa isang online IATF meeting.

Sa naturang video, naging emosyonal si Roque sa mungkahing panibagong hard lockdown ng doktor sa pagsasabing malaki na ang epekto nito sa ekonomiya at maraming Pilipino na ang nagugutom dahil hindi makapagtrabaho.

Binanatan din niya ang grupo na kailanman aniya ay walang magandang nasabi sa pagtugon laban sa COVID-19 ng gobyerno.

Nang tanungin si Roque kung nalabag ba ng naglabas ng video ang Data Privacy Act, sinabi niyang, “Sa tingin ko po liable at liable din po for revealing public secrets.”

Hindi niya sinabi kung magdedemanda siya at hahayaan aniya ito sa IATF.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?