54
himas-rehas
Sep 8, 2021 @ 12:57
By

Nagkukunwaring sundalo para makautang! Kelot tiklo sa Gingoog

Himas rehas ang kinahantungan ng isang 23-anyos na lalaki sa Gingoog City, Misamis Oriental matapos mabistong nagpapanggap na sundalo para makautang ng pera na hindi naman niya binabayaran.

Ayon sa ulat nitong Miyerkoles, naaresto noong Linggo sa Barangay Pangasihan ang suspek na kinilalang si Christian Dollen.

Pahayag ni Lt. Col Ricky Canatoy, commanding officer ng 58th Infantry Battalion, nagpapanggap si Dollen na parte ng kanilang batalyon.

Sa pamamagitan nito, kinakaibigan niya ang mga biktima para makautang at pagkatapos ay tatakbuhan na ang perang hiniram.

“He merely claims to be so that he can go about his scamming business,” pahayag ni Canatoy sa pagpapanggap ng suspek.

Nakumpiska kay Dollen ang isang caliber .45 baril, isang magazine, 47 rounds ng live ammunition at iba pang gamit pang-armas.

Nakatakda siyang sampahan ng gma kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition R egulation Act at Illegal/Unlawful Possession, Manufacture, Dealing In, Acquisition or Disposition of Firearms, Ammunition or Explosives.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?