30

Aug 14, 2020 @ 21:50
By

Nagkita matapos ang 5 taon: Gorilla mahigpit ang yakap sa amo

Kakaiba ang naging istorya ng isang lalaki at gorilla na muling nagkita makalipas ang limang taon.

Taong 2010 nang ikwento ang istorya ni Damian Aspinall, na nag-alaga ng isang gorilla bago ito pakawalan sa wild noong edad 5 na ang hayop.

Makalipas ang limang taon ay kanyang pinuntahan sa Africa ang kanyang naging alagang gorilla na si Kwibi, kung saan sumisigaw siya sa forest sa pagbabakasakaling matandaan pa ng gorilla ang kanyang boses.

Ilang araw ang nakalipas ay biglang sumulpot ang isang gorilla malapit sa ilog, at dito na nakilala ni Damian na si Kwibi nga ito.

Hindi batid kung papaano magre-react ang gorilla dahil bago pa man sila muling magkita ni Damian ay nasaktan ng naturang hayop ang dalawang tao na nakadaupang-palad nito.

Ngunit ibang eksena ang tumambad nang maupo si Damian sa tabi ni Kwibi, at tila kilala pa rin ng gorilla ang kanyang tagapag-alaga.

Bukod pa dito, dinala ni Kwibi ang kanyang naging pamilya sa forest kung saan pinakilala niya si Damian ang mga ito, at kapansin-pansin din ang mahigpit na pagkakayakap ng gorilla sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,