1,739

By

Nagkaubusan sa PH! 3M face mask mula Manila dumating sa Wuhan, China

Lumapag ngayong Linggo sa Wuhan, China ang nasa 3.16 milyong face mask, na mula umano sa Maynila, upang pigilan ang dumaraming kaso ng novel coronavirus (2019-nCoV) doon.

Sa ulat ng Global Times, sinabing nabili ng Hubei government ang mga mask sa pamamagitan ng import companies.

Nasa 56 na ang death toll ng nasabing virus sa China hanggang ngayong Linggo, Enero 26, habang higit 1,900 katao na ang tinamaan at 237 dito ang nasa kritikal na kondisyon, ayon sa state media ng China.

Nainis naman ang ilang netizen gayong dalawang linggo lang ang nakalipas, nangailangan din ng face mask ang mga Pinoy nang maglabas ng matinding ashfall ang nag-aalburotong Bulkang Taal.

Nagkaubusan at nagtaasan anila ang presyo ng mga N95 at surgical face mask sa ilang lugar sa bansa.

“Di naman masamang tumulong pero yung ipagdamot sa mismong Bansa natin para sa mga kababayan natin sa Batangas , mali po yun,” wika ni @Don8don3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?