23

Apr 20, 2021 @ 21:40
By

Nagkamali ng pinarusahan! VisMin Cup binawi suspensyon kay Monbert Arong

Inurong ng Pilipinas VisMin Super Cup ang kanilang naunang suspensyon kay Monbert Arong na naglaro para sa ARQ Builders Lapu-Lapu Heroes.

Ito’y matapos linisin ng liga ang pangalan ni Monbert dahil hindi ito parte ng mga kahina-hinalang tira sa laro kontra Siquijor Mystics.

Ayon sa liga, si Franz Arong dapat ang kanilang sususpendehin at hindi si Monbert.

“After thorough review of the game tape by our league and technical officials, between ARQ Lapu-Lapu Builders and Siquijor Mystics, it has come to our attention that Mr. Monbert Arong is not part of the issue and it was Mr. Franz Arong that was involve. Hence, Mr. Monbert Arong is cleared to play effective immediately,” saad ng VisMin Cup.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?