126
abante-tnt-vismin-mmda
By

Nagkabit ng tarpaulins na nagsabing China province ang PH, makakasuhan – MMDA

Sharing is caring!

Nag-iimbestiga na ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pagsulpot sa mga footbridge ng mga pulang tarpaulin na nagsasaad na probinsiya ng China ang Pilipinas.

Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na maaring kasuhan ang nagkabit ng mga tarpaulin dahil lumabag sa patakaran ng MMDA at sa ordinansa ng mga lokal na pamahalaan.

Idiniin na nag mga footbridge ay pag-aari ng gobyerno at pinangangasiwaan ng MMDA kaya data ay mayroon silang permiso sa anumang ikakabit o babaklasin mula rito.

Aminado naman si Garcia na puspusang imbestigasyon ang kailangan dahil ikinabit ang mga tarpaulin sa mga hindi hagip ng CCTV camera ng MMDA.

Bumulaga kaninang umaga sa mga footbridge ang tarpaulin na kulay pula nagsasaad na “Welcome to the Philippines, Province of China” at may tila Chinese characters sa ilalim nito.

Nakita ito sa mga footbridge sa Quezon Avenue at Commonwealth Avenue sa Quezon City; Kalayaan, C5 Road sa Makati City; Espana-Rotonda sa Maynila at Airport Road, Pasay City.

Agad na iyong naipabaklas ng MMDA.

Sakto ito sa ikalawang taon ngayon ng ruling ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague na nagsabing walang basehan ang pag-aangkin ng China sa buong West Philippine Sea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?