30

By

Nagkabit ng kontrobersiyal na tarpaulin, hinahanting na ng PNP

Sharing is caring!

Iniimbestigahan na ngayon Philippine National Police (PNP) kung sino o anong grupo ang naglagay ng mga tarpaulin sa mga footbridge sa ilang lugar sa Metro Manila na may mga katagang “Welcome to the Philippines, Province of China”.

Sinabi ni PNP Spokesperson Police Senior Supt. Benigno Durana, nagtalaga na sila na mga tauhan mula sa kanilang intelligence unit para matukoy agad ang mga nagkabit ng mga tarpaulin na may kontrobersiyal na mensahe.

Inaalam aniya nila ngayon ay kung ito ba ay may kinalaman sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, nalalapit na midterm elections o political interest.

Kumakalap na rin aniya sila ng impormasyon base sa mga CCTV footages, saksi at iba pang maaaring pagkuhanan ng impormasyon para matukoy ang indibiduwal o grupo na may pakana ng aniya’y gimik.

Sa ngayon habang iniimbestigahan pa ang insidente, nakikita ng PNP na paglabag sa city ordinance ang maaaring kaharapin ng mga nagkabit nito. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?