31

Jan 5, 2022 @ 15:27
By

Nagkaayos na? Brenda nagpatulong kay Eian humingi tawad kay Alexa

Inamin ng komedyante na si Brenda Mage na naging “Marites” siya habang nasa loob ng Pinoy Big Brother (PBB) house.

Partikular na raw kay Alexa Ilacad matapos nitong makainitan ang aktres dahil sa naging closeness nila ni Eian Rances.

Ayon kay Brenda, wala naman umano siyang problema kay Alexa, ngunit nang maging close sila ni Eian, hindi niya umano napigilan ang magselos bilang malapit ding kaibigan ni Eian.

Humingi naman ng kapatawaran ang komedyante sa kaniyang Facebook page pagkatapos nitong makalabas sa PBB house.

Ngunit, inamin ni Brenda na personal din siyang nag-sorry kay Alexa sa ginanap na virtual reunion ng PBB celebrity housemate.

“Hindi ko po alam if solved na, pero kanina po, nagyakapan kami ni Alexa,” pahayag ni Brenda.

Aniya, nagpatulong daw ito kay Eian para humingi ng tawad.

“Sabi ko sa kanya, hindi ko alam kung paano ako haharapin ni Alexa. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin paglabas ko,” dagdag pa nito.

Sinagot naman ito ni Alexa, aniya, napatawad na niya ang komendyante pero hindi nito makakalimutan ang ginawang paninira sa kaniya.

“I forgive but that doesn’t mean I forget. I’m just a very forgiving person. But I’ve learned my lessons as well,” sagot ni Alexa.

(Sherrylou Nemis)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?