39

Jan 13, 2022 @ 14:39
By

Nagka-Covid? Winwyn sobrang takot, nahihirapan

Nahihirapan at takot daw ngayon si Winwyn Marquez.

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ng aktres ang larawan kung saan nakahiga siya sa kama at katabi ang isang air purifier.

“It’s hard and scary. Nakakapagod pero laban lang and stay optimistic. “I pray hindi lahat maka-experience nito and sa mga tinamaan ay sana lahat gumaling na.. lagi ko nga sinasabi sa sarili ko na all will be well and after nito mabibigyan lalo natin ng importance yung mga bagay na dati ay binabaliwala lang,” pahayag ng aktres.

Hindi naman nito nabanggit kung ano ang kaniyang pinagdadaanan ngayon. Ngunit, pinaalalahanan niya ang publiko na magpabakuna at alagaan ang kalusugan upang makaiwas sa COVID-19.

“Get vaccinated, drink your vitamins, mag mask, safely distance yourself from others, test agad at mag isolate pag may naramdaman and contact agad ng fam and ng doctor niyo,” dagdag pa ng aktres.


Matatandaang kailan lang ay ginulat ni Winwyn ang netizen sa pag-anunsyong nagdadalang-tao siya. (Sherrylou Nemis)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?