20

Sep 9, 2021 @ 19:42
By

Nagka-COVID na bakunado kakarampot – FDA

Ayon sa datos ng Food and Drug Administration (FDA) na inilabas ngayong Huwebes, 0.0017% lamang ng mga taong kumpleto ang bakuna ang nagka-COVID.

Ang datos ay mula pa noong Agosto 29.

Iniulat ni FDA Director General Eric Domingo na 242 indibidwal lamang ang nagkaroon ng ‘breakthrough infection,’ o ang pagkakaroon ng COVID 14 araw matapos ang ikalawang dose.

Sa mga naka-breakthrough infection, lima ang namatay kung saan karamihan ay mga senior citizen na may comorbidity.

Karamihan naman sa mga breakthrough cases ay mula sa mga naturukan ng Sinovac (180). Habang 47 ang sa AstraZeneca, 11 sa Janssen at apat mula sa Pfizer.

Ang Sinovac ang bumubuo sa pinakamalaking porsyento ng suplay ng bakuna sa bansa.

Kaya naman inirerekomenda ng FDA sa publiko na kumpletuhin ang dalawang doses ng bakuna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?