67
gun1
Dec 15, 2018 @ 13:30
By

Nagja-jogging, inutas ng riding-in-tandem

Iniimbestigahan pa ng Mandaue Police ang pagpatay sa isang lalaki makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding in tandem habang bumibili sa isang tindahan matapos ang pagja-jogging sa Barangay Tipolo, Mandaue City.

Ayon sa imbestigasyon ng Subangdaku Police Station, nakilala ang biktima na si Chad Christian Noval, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Alang-Alang, Mandaue City.

Batay sa report, nagja-jogging ang biktima at bumibili sa isang tindahan sa C.D. St., nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki na sakay ng hindi nabatid na plakang ng motorsiklo bandang alas-6:40 ng umaga.

Walang sabi-sabi ay agad na pinaulanan ng bala ang biktima.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang salarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?