430

Mar 20, 2021 @ 12:47
By

Nagipit lang! Heart napilitan lang maging sexy calendar girl

Binunyag ni Heart Evangelista na gipit lang siya noon kaya pumayag na maging calendar girl para sa isang alak.

Sa Instagram story ni Heart, sinabi niya na noong 2014 ay kinumpiska ng kanyang ina ang kanyang pera.

Kaya naman para kumita ay tinanggap niya ang offer na mag-pose ng sexy para sa kalendaryo ng Tanduay.

“I can’t believe I did this hahah #tanduay shoot 2014. My mom confiscated my money so I needed to do this. Hahah Hirap kumita,” ayon kay Heart.

Masaya naman siya sa naging experience sa pagiging calendar girl, pero hindi na ulit niya ito gagawin.

“Looking back? Glad I did it won’t do it again though,” sey ng misis ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?