2,146

Sep 8, 2021 @ 20:06
By

Naging marupok, gago ako: Paolo Contis umaming ‘tinorotot’ si LJ!

Inamin ni Paolo Contis na ilang taon niyang “tinorotot” si LJ Reyes pero nilinaw niyang hindi si Yen Santos ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Sa mahaba niyang Instagram post ngayong Miyerkoles, sinabi ni Paolo na naging marupok at gago siya sa ilang taon nilang pagsasama ni LJ.

“Aaminin ko, naging marupok at gago ako sa ilang taon naming pagsasama. I’m not proud of it. For that, I’m sincerely sorry. I’m truly ashamed of my actions,” aniya.

Siya raw ang dahilan kung bakit matagal na silang hindi okay ni LJ at hindi si Yen.

“She was never the reason of our break up. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu ano,” sambit pa ng aktor.

Pumunta raw siya sa Baguio nang magtungo sa Amerika sina LJ at mga anak dahil gusto raw niyang makapag-isip-isip at inimbitahan lamang si Yen bilang kaibigan.

“When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip. Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din. She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this,” paliwanag pa niya.

Umaasa siyang balang araw ay makapag-usap sila ni LJ para sa anak na si Summer.

Humingi rin siya ng patawad kina LJ, Summer at Aki, at nangakong aayusin ang kanyang sarili.

“To Summer, I’m sorry my Ganda. I love and miss you so much. Papa will do his best to be better. I will always be here for you. I promise.

“To Aki, I wish I could’ve done things differently and listened to you more. I’m sorry I failed you.

“To LJ, I’m very sorry. For everything. Sa lahat lahat.

“I will work on making myself a better person and learning from this. But for now, please respect our privacy and pray for us. Ngayon kung hindi pa po kayo pagod, please direct all your hate and bashings at me. No one else deserves it, ako lang. Thank you.”

Gayundin ay nag-sorry siya sa dating asawang si Lian Paz, mga anak nila at kanyang mommy.

“I’m sorry sa lahat ng nadamay sa issue na to. I want to apologize to Lian and the kids, na nagulo na naman ang tahimik na buhay dahil sa akin. I’m sorry to my Mom. Please don’t worry about me too much. I’m sorry to my team na hindi na nakakatulog dahil sa akin.”

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?