142

Sep 20, 2020 @ 16:01
By

Naging LP din si Duterte! Frankie sinopla mga DDS

Kinuwestiyon ng anak ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan kung bakit ginagamit na insulto ang ‘dilawan’ ng mga diehard Duterte supporter (DDS) gayong naging parte din ng Liberal Party si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa tweet ni Frankie Pangilinan, pinunto nito na mula 2009 hanggang 2015 ay nasa poder ng LP si Duterte, panahon kung kailan nakaupo bilang presidente si Noynoy Aquino, na pambato ng Liberal Party sa pagka-Pangulo.

“why do d/d/s love to use the term dilawan as an insult as if their idol wasn’t literally in the liberal party from 2009-2015,” lahad ni Pangilinan.

“the clownery i just,” aniya pa. “Almost as if it has nothing to do with partisan affiliations and more to do with personal bias and agenda.”

Dinagdag pa nito na kahit siya’y hindi rin ‘big fan’ ng LP kahit pa naging presidente ang kanyang ama ng naturang political party.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?