13

Mar 16, 2021 @ 14:55
By

Naging close contact ni Roque, testing czar naka-isolate

Sinabi ni COVID-19 testing czar Vince Dizon na nakasailalim siya sa isolation ngayon dahil nakasalamuha niya si presidential spokesperson Harry Roque, na nagpositibo sa coronavirus kamakailan.

Wika ni Dizon ngayong Martes, naka-isolate siya “because of close contact with Spox (spokesman) Harry last Friday.”

Pero sinabi niya sa ABS-CBN na siya ay “absolutely OK” at “busy working lang with our LGUs.”

Si Dizon din ang President at CEO ng Bases Conversion and Development Authority.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?