sk
By

Naghain ng COCs para sa barangay, SK polls sumirit na sa 80K

Sharing is caring!

Mahigit 80,000 na ang mga naghain ng kandidatura para sa nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections base sa pinakahuling tala ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon sa Comelec, kabuuang 80,748 na certificate of candidacies (COCs) ang naihain na sa iba’t ibang mga tanggapan ng Comelec sa buong bansa.

Mula sa nasabing bilang, 60,992 ang mga naghain ng kandidatura para sa barangay elections, kung saan 8,202 ang kumakandidato para sa posisyon ng barangay chairman habang 52,790 naman ang kandidato para sa posisyon ng kagawad.

Para naman sa SK elections, kabuuang 19,756 COCs na ang naihain kung saan 4,443 ang tumatakbo sa pagka-chairman, habang 15,313 ang kumakandidato sa pagiging kagawad.

Ang kabuuang bilang ng mga botante para sa BSKE ay mahigit 78 milyon kung saan 57.3 milyon ay mga botante sa barangay, habang 20.6 milyon naman ang botante para sa SK.

Ang paghahain ng COCs ay nagsimula noong Abril 14 na tatagal hanggang Abril 20, 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?