76

By

Naghahanda na sa future: CJ Perez bagong miyembro ng Gilas

Bukod kay Robert Bolick, kasama rin ang pangalan ni 2018 top pick CJ Perez sa bagong miyembro ng Gilas pool para sa parating na 2019 Fiba World Cup.

Kasunod ito nang pagtanggi nina Jayson Castro at Bobby Ray Parks Jr sa national team duties.

“Sa pagkaka-alam ko nag-indicate na darating si Bolick tsaka si CJ,” ayon kay PH Nationals head coach Yeng Guiao.

Ayon kay Guiao, ayaw niyang mangyari ulit ang sitwasyon kung saan na-injure si Raymond Almazan noon sa laban kontra Kazakhstan.

“Sa akin looking forward to the future. Although we will be just 12 in the line-up, we need one or two as back-up kung sakaling may mangyari na injuries. Exactly what happened to Raymond nung huli,” ayon kay Guiao.

Bagama’t baguhan, hindi magsisilbi bilang practice player lang ang dalawa sa Gilas at may tsansang makasilat ng pwesto sa main lineup.

“Of course, I do not discount that they can break into the lineup. But basically we’re trying to get extra bodies just in case anything out of our control happens,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?