11

Jan 10, 2022 @ 15:58
By

Nagdiwang ika-11 anibersaryo: Megan may sweet message para kay Mikael

Hindi talaga mawawala ang tamis sa pagmamahalan nina Megan Young at Mikael Daez.

Nagdiwang na kasi ang dalawa ng kanilang ika-11 anibersaryo kasabay ang birthday ni Mikael nitong Enero 8.

Sa Instagram post ni Megan, ibinahagi nito kung ano ang ginawa nila para sa kanilang espesyal na araw.

“I didn’t forget this time. At the strike of midnight, I greeted Fofo a happy birthday and we greeted each other a happy anniversary. And just like that we went back to our games hahaha our fam and friends know that we don’t really have big celebrations and like usual, we had some errands, enjoyed the food gifts we received and watched a movie,” caption ng beauty queen sa kaniyang Instagram.

https://www.instagram.com/p/CYZKDc0P-Mk/?utm_medium=copy_link

Pagkatapos ay ibinahagi niya ang ilan sa kanyang mga paboritong larawan nilang mag-asawa.

Sa isa pang post, ipinakita ni Megan ang nakakatuwang video ng kanyang asawa na nagre-relax sa isang bathtub habang nakasuot ng face mask.

“It’s moments like these that I really think twice, I mean, that I fall in love with you more,” caption nito.

https://www.instagram.com/meganbata/reel/CYa6_BHpElU/?utm_medium=copy_link

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?