30
Abante-TnT-Menardo-GuevarraAbante-TnT-Menardo-Guevarra
By

Nagbitiw na DOJ Assistant Secretary, may kapalit na – Guevarra

Sharing is caring!

Nakapagtalaga na umano si Pangulong Rodrigo Duterte ng kapalit sa puwesto ng nagbitiw na si DOJ Assistant Secretary Moslemen Macarambon.

Ito ang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na tumangging ihayag kung sino ang ipinalit sa pwesto ni Macarambon.

Aniya, ipinauubaya na niya sa Malacanang ang pag-aanunsyo ng bagong appointee sa DOJ.

Naniniwala rin si Guevarra na maituturing na termination o pagsibak sa pwesto ang sinapit ni Macarambon na nahaharap sa alegasyon ng katiwalian.

“My understanding is President (Duterte) appointed someone to replace DOJ Asec. Macarambon, so that’s effectively a termination. No other acts needed,” saad ni Guevarra.

Isa si Macarambon sa dalawang assistant secretary na pinagbibitiw ni Pangulong Duterte.

Sa imbestigasyon umano ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), si Macarambon ay madalas umanong pumapagitna para sa mga hinihinalang smuggler ng ginto at iba pang mga mamahaling alahas na nahaharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Itinanggi naman ni Macarambon ang paratang at ipinaliwanag na hiniling lamang niya sa Bureau of Customs na ulitin ang computation sa buwis na dapat bayaran ng kanyang manugang para sa ginto at alahas na kanilang nabili sa halagang pitong milyong piso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?