7,133
Nagbigay ng ecstasy kay Ashley Abad, tukoy na
By

Nagbigay ng ecstasy kay Ashley Abad, tukoy na

Kilala na ng mga imbestigador mula sa Cebu City Police Office (CCPO) ang taong nagbigay ng ecstasy sa 19-anyos na babae na nahimatay at kalaunan ay namatay sa isang party sa Sinulog Festival noong Enero.

Sa kabila nito, tumanggi si PRO-7 Director, Chief Supt. Debold Sinas na ilantad ang pangalan nito upang hindi umano maapektuhan ang ginagawa nilang imbestigasyon.

Pero ayon kay Sinas, kabilang ito sa pitong kasama ni Ashley Abad sa pre-Sinulog concert nang mag-collapse ang dalaga.

Pebrero 13 nang lumutang ang boyfriend ni Abad, na prime suspect sa insidente, kasama ang kanyang mga magulang sa CCPO para linisin ang kanyang pangalan.

Sa naging panayam sa kanya ng mga imbestigador, itinanggi umano ni Nel Spencer Tiu na binigyan niya ng iligal na droga ang girlfriend.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?