50

By

Nagbebenta ng chop-chop na motor, arestado

Sharing is caring!

Nasukol ng mga pulis ang isang suspek nang salakayin ang tirahan nito na ginagawang bodega ng mga chopchop na motorsiklo na binebenta sa Tondo, Maynila.

Hindi na nakapalag sa operatiba ng Manila Police District ang suspek na si Alan Gabriel, 21-anyos, tricycle driver nang halughugin ng mga pulis ang kanyang tirahan kung saan natuklasan ang mga hiwa-hiwalay na bahagi ng iba’t ibang motorsiklo.

Ayon kay P/Sr Inspector Ness Talento Vargas, itinimbre sa kanyang tanggapan ang modus ng suspek na pagbebenta ng mga chop chop na bahagi ng motor kaya agad na inilatag ang raid.

Nadatnan pa ang suspek na humihitit ng marijuana habang naghihintay ng buyer.

Nasamsam ng mga pulis ang isang two way radio na ginagamit umano na pantimbre sa mga grupo niya at ilang mga katransakyon at mga kasamahang nagnanakaw ng mga motorsiklo.

Nahaharap na sa patong patong na kaso ang suspek habang tinutugis na ang mga kasabwat nito sa pagnanakaw ng mga motor maging ang mga buyer na nakabili na ng mga nakaw na spare parts ng nakaw na motor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?