1,983
Tingin ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, nararapat lang na mapalaya si ex-Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez kahit pa nahatulan ito ng pitong reclusion perpetua dahil sa pangra-rape at pagpatay sa UP Los Baños student na si Eileen Sarmenta at Allan Gomez noong 1993.
Aug 22, 2019 @ 11:32

Nagbago na! Ex-Calauan Mayor na nang-rape, pumatay sa UPLB student, deserve ang second chance – Bato

Tingin ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, nararapat lang na mapalaya si ex-Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez kahit pa nahatulan ito ng pitong reclusion perpetua dahil sa pangra-rape at pagpatay sa UP Los Baños student na si Eileen Sarmenta at Allan Gomez noong 1993.

Saad ni Bato sa panayam sa ANC, kung talagan nagbago na si Sanchez at nadetermina ito ng awtoridad ay posibleng mapalaya ang convicted mayor.

“It is determined by the Board of Pardon and Parole that he deserved that commutation, then why not?” ayon kay Dela Rosa. “He deserve a second chance in life.”

Nakulong si Sanchez noong 1995, ngayon ay posibleng mapalaya dahil sa bagong batas na magtataas ng good conduct time allowance sa mga preso na nakikitaan ng maayos na kaugalian sa loob ng preso.

“According to corrections officers, nagbait na daw. In fact, nakikita nila na nagpapalda na nga daw, so changed man na talaga siya, changed man,”ani pa ni Dela Rosa.

Ngunit kinukwestiyon ngayon kung dapat bang magawaran ng good conduct si Sanchez dahil nahulihan ito ng aircon at flat-screen TV habang nakakulong noong 2015, maging P1.5M shabu noong 2010. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?