15

Sep 30, 2020 @ 23:24
By

Nagbago ang pila sa Ginebra

Walang nangingibabaw sa pila na Greg Slaughter nang dumating ang Ginebra sa Clark Freeport Economic Zone bubble Martes ng hapon.

Kumpleto ang team ni coach Tim Cone, maliban sa slotman na hindi na pumirma ng matapos mag-expire ang kontrata noong January, pagkatapos din sikwatin ng Gin Kings ang Governors Cup crown laban sa Meralco.

Pila-pila, may distancing nang pumasok sa Quest Hotel ang crowd favorites. Dati, lutang na agad ang ulo ni 7-foot Slaughter kahit malayo pa lang.

Wala ngayon.

Naroon sina Mark Caguioa, Joe Devance, Japeth Aguilar, LA Tenorio, Scottie Thompson.

Walang June Mar Fajardo ang five-time defending champion San Miguel Beer, isa ang Ginebra sa paboritong makipagpukpukan sa Philippine Cup.

Mula pagdating sa bubble, isolated muna ng hanggang dalawang araw sa kani-kanilang kuwarto ang Gin Kings habang hinihintay ang resulta ng swab tests. Kapag lumabas ang negative results, puwede nang mag-scrimmage.

Oct. 11 ang umpisa ng restart sa AUF gym.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?