81

By

Nagawa ko ang makakaya ko – Lapeña sa P11B shabu smuggling

Sa kanyang pormal na paglisan sa Bureau of Customs, naniniwala si dating BOC Commissioner Isidro Lapeña na kanyang nagawa ang mga kailangang gawin kaugnay ng lumusot na P11B shabu sa GMA, Cavite.

“I believe that I have done and acted what I needed to do and what the BOC should do as far as this case is concerned. I just maintained my silence out of respect to the ongoing investigations being conducted in both houses, ” ani Lapeña sa kanyang speech sa turnover ng liderato ng Customs.

“But I strongly believe, that at the end, the truth will prevail,” dagdag pa niya.

Sa kanya umanong panunungkulan, bumuo siya ng mga team para sa pag-iimbestiga sa mga modus ng mga drug syndicate sa loob ng mga ahensya ng gobyerno at ang kanilang mga kaugnayan sa Customs.

“As a result, we had filed both administrative and criminal cases against those involved personalities,” saad ng ngayo’y Tesda head.

Kumpiyansa rin umano si Lapeña na iiwanan niya ang Customs na nasa mabuting kalagayan, base na rin sa mga nagawa niya para sa ahensiya.

“There may have been lapses in the systems and operations, but with what I told you 14 months ago, to do away with ‘tara’ and stop the practice of ‘no pasalubong’, ‘no gift and no take’ policy… these are the very same policies that I have also followed,” pakli pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?