22

Mar 3, 2020 @ 20:21
By

Naga, nasa state of calamity dahil sa ASF

Nagdeklara na ng state of calamity ang Naga City sa Camarines Sur nitong Martes, Marso 3.

Ayon sa pahayag ni Mayor Nelson Legacion, nasa 700 na baboy sa mga barangay Pacol at Cararayan ang kinailangang i-cull o patayin.

Ang pagdedeklara ng state of calamity ay magpapahintulot sa local government na gamitin ang kanilang emergency fund.

Bibigyan ng kabayarang P2,000 kada baboy ang mga residenteng apektado ng African Swine Fever (ASF).

Samantala, inisyuhan naman ng provisional permit ng National Meat Inspection Service ang isang katayan sa bayan ng Milaor para masiguro na hindi kakapusin sa karne ng baboy ang mga taga-Naga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?