941

By

Nag-viral na aso na si ‘Buboy’ todas matapos ma-hit and run

Sumunod na sa kaniyang yumaong amo si “Buboy”, ang asong binansagang “Pinoy Hachiko”.

Nag-viral si Buboy kamakailan dahil sa ipinakita niyang loyalty sa pumanaw na amo.

Sa viral post, makikita si Buboy habang matiyagang naghihintay sa labas ng faculty ng isang eskwelahan kung saan madalas ang pumanaw na guro.

Walang alam ang aso na pumanaw na ang amo na si Carmelito Marcelo.

Isang netizen ang nagbalita na namatay na rin si Buboy dahil sa hit and run.

“Wala na. Patay narin si Buboy. Rest in peace, baby. Magkikita na kayo ng amo mo. Nakakalungkot. Gaano ba kahirap yung magbagal sa pagpapaandar at huminto kapag alam mong may masasagasaan ka?” sabi ni Trisgyn Nuñez Casimiro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?