90

By

Nag-ugat kay Arroyo: Perjury isinampa ni Topacio vs Pimentel

Dahil sa kasong electoral sabotage na sinampa ni Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel kontra kay dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo noong tumakbo ito taong 2011, binalikan ito ng kontra asuntong perjury ni Atty. Ferdinand Topacio.

Napawalang-sala na si Arroyo Disyembre nang nakaraang taon, sinaad ni Topacio na ang mga sinabi ni Pimentel sa korte ay walang katotohanan at pwedeng grounds para sa perjury.

“Bilang isang mamamayan, ako na po kasi, ako po ang nakaka-alam eh. Mula’t sapul po ako ang naghandle ng kasong ito,” ayon kay Topacio.

Si Pimentel ay tumatakbo bilang reelectionist ngayong 2019, habang si Topacio naman ay dating abogado ng mga Arroyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?