84

Sep 22, 2021 @ 16:09
By

Nag-train kay Cardo lumantad na

Bakit nga ba ‘di nauubusan ng bala at buhay si Cardo Dalisay? Sino nga ba ang naging tagapagturo niya?

Ayon kay Iza Calzado, na gumanap bilang si Col. Olivia Buenaventura sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano,’ siya ang naturo kay Cardo Dalisay.

“Lagi kong sinasabi ako ang nag-train kay Cardo Dalisay. Bawat eksena ko na kasama ko si Coco, I’ve always recognized the brilliant artist in him. Ang sarap makipagbatuhan ng linya at kumuha ng energy from Coco,” pahayag ni Iza sa video message kaalinsabay sa ikaanim na anibersaryo ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’

Bagamat hindi man sa paghawak ng baril, ang pag-arte ni Coco Martin ang siyang hinangaan ni Iza.

Nagpapasalamat din ang aktres sa naging parte niya sa longest-running teleserye sa ngayon.

“It’s an honor for me to be part of ‘Ang Probinsyano.’ Six years in at patuloy pang mamamayagpag ang programang ito. Mabuhay kayong lahat! Congratulations! Happy 6th year sa inyong lahat,”pahayag ni Iza.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?