79

Mar 5, 2021 @ 20:31
By

Nag-suicide sa Pangasinan dumami

Umabot na sa 118 suicide case ang naitala sa lalawigan ng Pangasinan simula ng coronavirus outbreak.

Sa ulat, sinabi ni Police Major Arturo Melchor, Pangasinan Provincial Police Office spokesperson, sa 118 suicide case, 101 ay nangyari mula Enero hanggang Disyembre 2020 habang 17 ay mula Enero 2021 hanggang nitong buwan.

Karamihan aniya ng biktima ay nagbigti gamit ang lubid.

Lima sa mga nag-suicide ay babae habang puro lalaki na ang iba.

Depresyon naman ang pinakadahilan ng pagtaas ng suicide incident sa lalawigan, na pinakamarami sa Dagupan, San Carlos, Sual, Calasiao at Manaoag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?