91
Nag-sleep walking:Delivery boy nahulog sa mango tree, dedbol
By

Nag-sleep walking: Delivery boy nahulog sa mango tree, dedbol

Dedbol ang isang delivery boy nang biglang bumangon mula sa mahimbing na pagkakatulog, naglakad at umakyat sa puno ng mangga at nahulog una ang ulo sa Quezon City nitong Linggo, Marso 10 ng madaling araw.

Kinilala ni Roldan Dapat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), ang biktima na si John Anthony C. Espinido, 36-anyos, binata, at stay-in delivery boy sa JMK-R na matatagpuan sa No. 13 Felicia St., San Antonio Home, Culiat, Tandang Sora, QC.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Marvin Masangkay, ng CIDU-QCPD, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang mangyari ang aksidente sa likuran ng gusali sa High Rise Condo malapit lamang sa pinagtatrabahuhan ng biktima.

Ayon sa kasama niyang si Jobert Fedilos, natutulog umano si Espinido at nagulat na lamang siya nang bigla itong bumangon, nagtungo sa likuran ng gusali, at umakyat sa puno ng mangga.

Nang sundan niya ito ay nakita niyang nahulog mula sa puno ang biktima at dahil sa una ang ulo na lumagapak sa semento ay agad itong binawian ng buhay.

Agad humingi ng saklolo si Fedilos kay John Rei Labrador, security guard sa condo na siya namang nagreport sa hmpilan ng pulisya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?