1,529

Dec 8, 2021 @ 17:01
By

Nag-selfie habang umiiyak: Maxene inamin lagay ng mental health

Hindi maiwasang mapaiyak ni Maxene Magalona nang magising ito dahil sa nararamdamang anxiety at takot.

Ibinahagi ni Maxene sa kaniyang Instagram post ang ilang selfie habang may luha sa mata.

“Okay, I feel like I have to share this right now in this moment. I woke up feeling a little scared this morning due to fear and anxiety,” caption ni Maxene sa kaniyang Instagram post.


Pag-amin ng aktres na “overwhelming” para sa kaniya pagsabay-sabayin ang trabaho, pagdaan sa self-healing, at pag-aayos sa mental health.

“When you’re dealing with a mental health condition, juggling different jobs, going on a self-healing journey and experiencing a spiritual awakening all at the same time—it can get pretty overwhelming,” saad nito.

Pinaalalahanan naman niya ang mga kagaya niyang madalas inaatake ng anxiety.

“Close your eyes and take a few deep breaths. Breathe and remember that you are not your thoughts. You are your soul. You are your heart. You are your breath. Cry if you must but just keep breathing and hold yourself gently through the process. Focus on your breath, stay present and be here NOW. Because if not now, when? When will you let go of all that pain inside of you that’s been holding you back from being your best and most authentic Self?” sabi ni Maxene.

Dagdag pa nito, pinasalamatan niya ang inang birhen dahil matapos umano nitong maramdaman ang kabanalan ng birhen ay napahinto ito sa pag-iyak.

“Thank You for holding me through it all, Mama Mary. Today is December 8 which is the Feast of the Immaculate Conception of Mary. I was actually crying in meditation due to fear and anxiety when I took this photo. But then I suddenly felt Her Divine energy,” pahayag ng aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?