28
duterte6
By

Nag-rally sa HK, hindi ko tatanggapin kapag na-deport – Duterte

Sharing is caring!

Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang militanteng grupong nagdaos ng kilos-protesta sa kanyang state visit sa Hong Kong noong Huwebes.

Ayon sa Pangulo, kapag na-deport ang mga Filipinong nag-rally sa Hong Kong ay hindi niya tatanggapin ang mga ito sa bansa.

Puro aniya dakdak at ingay lang ang mga ito pero kung tanungin kung ano ang nagawa nila para sa bayan ay wala namang maisagot.

“Sabi ko, ano man nagawa ninyo para sa bayan? Kaya pag na-deport kayo, hindi ko rin kayo tatanggapin. P*****i**,” anang Pangulo.

Ang mga Filipinong militante na nanguna sa kilos-protesta bago ang pulong ng Presidente sa Filipino community sa Kowloon ay pinangunahan ni Eman Villanueva ng Bagong Alyansang Makabayan na nakabase sa Hong Kong at Macau.

Bawal sa batas na sumali sa kilos-protesta ang isang Filipino kung ito ay nasa ibang bansa, gayundin ang mga dayuhan na makilahok sa rally o pagkilos kapag nasa Pilipinas.

Matatandaang kasama ang mga militanteng grupo sa proklamasyong inilabas ni Pangulong Duterte na nagtatakdang ihanay ang mga ito sa listahan ng international terrorists kasama na ang mga miyembro ng kilusang komunista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?