55

Oct 20, 2020 @ 21:22
By

Nag-landfall kang bigla sa puso ko! Nancy Binay pinakilig asawa sa bagyong Pepito

Hindi pinalampas ni Senadora Nancy Binay ang pagkakataon na makabitaw ng cheesy lines kasabay ng bagyong Pepito.

“Matagal ko nang alam na para kang bagyo, kasi nag-landfall kang bigla sa puso ko,” sey ni Binay dahil kapangalan ng kanyang mister na si Pepito ang bagyo.

Madami namang netizen ang natuwa at kinilig sa simpleng banat ni Binay sa kanyang asawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?