136
Nag-jogging sa MRT huli sa camera
Mar 27, 2020 @ 0:54
By

Nag-jogging sa MRT huli sa camera

Nakuhanan ng video ng netizen ang isang nagjo-jogging sa gitna ng riles ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3).

Pinost ni Phillip Escudero ang video sa Facebook pero hindi nilinaw kung kailan ito kinuhanan.

Wala namang nakitang dumadaan na tren nang makuhanan ang video ng tila babaeng nakapang-jogging attire pa.

Aliw naman dito ang mga netizen na nasa loob lang ng kanilang mga tahanan dahil sa pinatutupad na enhanced community lockdown sa buong Luzon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?