175

Mar 20, 2020 @ 21:24
By

Nag-deactivate! Mocha tinawanan ng mga netizen

Kasabay ng pagte-trending ng #MochaUsonIsOverParty nitong Marso 20 ang hashtag na #Nagdeactivate.

Ito’y matapos bigla na lang maglaho ang Mocha Uson Blog page sa Facebook dahil sa panawagan ng mga netizen na i-report ang mga social media account ng DSWD official dahil sa umano’y pagkakalat ng fake news.

Tinawanan si Mocha ng mga netizen dahil sa biglang pag-deactivate raw nito ng kanyang Facebook account sa takot na mai-report.

“Hahahahaha natakot ang loka nagdeactivate! @MochaUson bitch keep it deactivated or the moment you put it back up we gonna drag yo dirty weave,” sey ni @TheViscountDon.

“Tangina mo @MochaUson asan yung tapang mo???? nagdeactivate ka temporarily? Atleast Team Internet won the battle for today but we will surely win the war #MochaUsonIsOverParty,” ani @_mkalvarado.

“Ang weakshit ni mocha. Nagdeactivate lol Report Banat By in FB Report @MochaUson here #MochaUsonIsOverParty,” sabi naman ni @notcrysss.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?