412

Nag-AWOL na si Abueva sinuspinde ng Alaska

Sharing is caring!

Inilagay ng Alaska management si Calvin Abuena sa indefinite suspension dahil sa hindi nito pag-report sa koponan ng halos isang linggo.

Sa statement na inilabas nitong Sabado, sinab ni Aces team owner Wilfred Uytengsu na batid nila ang personal na problema ni Abueva subalit hindi naman siya ‘excuse’ sa kanyang responsibilidad sa koponan.

“The Alaska Aces have placed Calvin Abueva on indefinite suspension following his more than one week absence from practice and failing to advise the coaching staff and management of his whereabouts,” sabi ni Uytengsu.

“While we understand Calvin may be going through some troubling personal issues, it does not obviate his responsibility to his team. The suspension is effective immediately,” dagdag pa nito.

Sabi ni Head coach Alex Compton, hindi sumasagot si Abueva sa kanilang mga tawag at hindi rin ito makontak sa ngayon.

Bagama’t suspendido si Abueva, maari pa rin umanong maglaro ito sa national team.

“Alaska, however, will allow Abueva to play for Gilas if Coach Chot Reyes chooses to use him in the line up,” ayon pa kay Uytengsu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?